^

Probinsiya

2 pulis nasapol ng bala sa training

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
2 pulis nasapol ng bala sa training
Nagsasagawa umano ng lecture si P/Corporal Benie Dupayat, 32, sa kanyang mga trainees na kabilang sa Bravo Company of Mahigmayan at itinuturo ang Basic Parts of Firearms and Gun Safety Rules o paghawak at pag-assemble ng armas nang biglang pumutok ang baril at tinamaan si Patrolman John Conrad Villanueva, 23, at Dupayat. Si Dupayat ay nasugatan sa kamay habang sa hita naman si Villanueva. Dinala ang dalawa sa Caba District Hospital.
Philstar.com/File

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ni Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Dionardo Carlos, ang naganap na accidental firing sa loob ng police training­ camp na ikinasugat ng dalawang pulis sa La Union kamakalawa. Batay sa report mula sa Police Regional Training Center 1, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon nitong Martes sa Andres Bonifacio Room ng Regional Traning Center-1 sa Brgy. Poblacion, Aringay, La Union.

Nagsasagawa umano ng lecture si P/Corporal Benie Dupayat, 32, sa kanyang mga trainees na kabilang sa Bravo Company of Mahigmayan at itinuturo ang Basic Parts of Firearms and Gun Safety Rules o paghawak at pag-assemble ng armas nang biglang pumutok ang baril at tinamaan si Patrolman John Conrad Villanueva, 23, at Dupayat. Si Dupayat ay nasugatan sa kamay habang sa hita naman si Villanueva. Dinala ang dalawa sa Caba District Hospital.

Ang mga trainees ay sumasailalim sa Public­ Basic Recruit Course. Nabatid na ang firearms familiarization­ ay pagpapakita ng paggamit ng ca­liber .45 pistol na baril. Sinabi ni Carlos na kaila­ngan na muling rebisahin ang polisiya sa pagtuturo  sa paghawak ng  baril upang maiwasan ang  kahalin­tulad na insidente. Aniya, ang baril ang panguna­hing sandata ng mga pulis kaya dapat lamang na tama ang paghawak nito at may sapat na kaalaman ang nagtuturo.

BALA

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with