Postcards ng mga Pinoy na nagbigay ng karangalan sa bansa, inilunsad
MANILA, Philippines — Lalong pinaigting ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) ang pagkilala sa mga natatanging Pilipino na nagbigay ng karangalan sa bansa sa pamamagitan ng inilabas nitong mga bagong limbag na “New Generation of Philippine Postcards” na inilunsad ng Post Office sa Cebu City kamakailan.
Kasabay ng paglulunsad ng kauna-unahang “1st Visayan Art Fair” sa Cebu, ang mga imahe o larawan ng mga tinaguriang Living Legends na ginawaran ng “bagong mga Postcards” ay sina: Internationally recognized Filipino bowling world champion Paeng Nepomuceno, grandmaster Eugene Torre, theater actress at singer Lea Salonga, innovator at technology entrepreneur Diosdado Banatao, fashion designer at entrepreneur Josie Natori, National Basketball Association player Jordan Clarkson, billiard legend Efren “Bata” Reyes, iconic Filipino fast-food chain mascot Jollibee, at Cebuanong sina Kenneth Cobonpue, furniture designer, at Monique Lhuillier, isang fashion designer; ang kauna-unahang Olympic gold medalist, weightlifter Hidilyn Diaz; mga Pilipinang nagwagi sa Miss Universe pageant tulad nina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach, at Catriona Gray at ang pagdiriwang ng ika-500 Quincentennial commemorations ng pagdating ni Sto. Nino sa bansa; ika-500 selebrasyon ng Labanan sa Mactan; at ang Murillo-Velarde map, tinaguriang “Ina ng mga Mapa sa Pilipinas”.
Ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio “Stamps are windows through which we see the world. Postcards are the doors to which we explore it. Postcards are used to travel to distant lands, promote creativity and arts, express our feelings and emotions, while we keep in touch with our loved ones”.
Tampok sa bagong Postcards ang kalidad ng limbag na carboard o papel na 135 grams per square meter, makintab at matt finished, mas pinalaking sukat na 250mm (lapad) x 150mm (taas) at sukat parihaba, maliban sa Living Legends series na parisukat.
Ang naturang mga special postcards at selyo ay mabibili sa Cebu City Central Post Office (malapit sa Plaza Independencia) at Manila Central Post Office shop sa Liwasang Bonifacio.
- Latest