^

Probinsiya

2 vintage bomb, narekober sa karagatan ng Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 vintage bomb, narekober sa karagatan ng Cavite
Binubuhat ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard ang vintage bomb na sumabit sa gitna ng barko habang nagsasagawa ng soil plumping ang mga crew ng MV Vasco Da Gama sa karagatan ng San Nicolas Cavite City.
Cristina Timbang

MANILA, Philippines — Dalawang malala­king vintage bomb ang nadiskubre sa San Ni­colas shoal sa lungsod ng Cavite habang nagsasagawa ng soil sampling ang mga crew member dito kahapon ng madaling araw.

Sa ulat, alas-4:30 ng madaling araw nang madiskubre ng mga crew member ng MV Vasco Da Gama, ang 2 malalaking vintage bomb na sumabit sa gitna ng kanilang barko.

Agad umanong iti­na­wag ng mga ito sa Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite upang tuluyang mai­ahon at matanggal ang 2 bombang sumabit.

Pagdating ng PCG sa lugar, agad na ipi­na­­­tigil ng mga ito ang isinasa­gawang ope­ras­yon ng mga crew member at sinimulan ang maingat na pagtanggal ng nasabing vintage bomb.

Katulong ng PCG ang Coast Guard Special Operations Group Explosive Ordnance Dis­posal (EOD) ang tri­pleng ingat sa pagtanggal ng mga bomba upang maiwasan ang pagsabog nito.

Makalipas ang may mahigit sa kalahating oras, matagumpay na natanggal ang 2 bomba na agad dinala sa Manila explosive weapons para sa proper dispo­sal.

BOMBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with