^

Probinsiya

Ex-Tserman binaril, dinukot

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon
Ex-Tserman binaril, dinukot
Sa ulat, ang biktima ay sakay ng kanyang Honda Civic at nang bu­maba ng kotse para buksan ang gate ng kanilang bahay ay sumulpot ang isang van na lulan ng mga suspek at pinagbabaril ang una.
STAR/ File

CAMP OLIVAS, Pampanga, Philippines — Isang dating barangay chairman sa Tarlac ang binaril muna bago dinukot  ng mga armadong lalaki na sakay ng van sa Barangay Sto. Niño. Concepcion, Tarlac, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kay P/Col. Jonas Amparo, Deputy Regional Director for Operations, kinilala ang biktima na si Benigno Manabat, 73, residente ng Barangay Sto. Niño at dating barangay captain.

Sa ulat, ang biktima ay sakay ng kanyang Honda Civic at nang bu­maba ng kotse para buksan ang gate ng kanilang bahay ay sumulpot ang isang van na lulan ng mga suspek at pinagbabaril ang una.

Bumaba ang sakay ng van at puwersahang tinangay ang biktima at pagkatapos ay mabilis na tumakas patungong Norte.

Nakarekober ang mga pulis ng basyo ng bala ng kalibre 45 baril sa crime scene. Nagsasagawa na ang pu­­lisya ng follow-up operation at hiniling ang Oplan Kandado at pag-alarma sa kalapit na lalawigan.

JONAS AMPARO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with