^

Probinsiya

‘Bikoy’ kinasuhan sa pagpatay ng 3 kandidato sa Albay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
âBikoyâ kinasuhan sa pagpatay ng 3 kandidato sa Albay

Daraga, Albay, Philippines — Kinasuhan na ng 3-counts of murder at frustrated murder sa provincial pro­secutor’s office ang nasa likod ng kontrobersyal na “Ang totoong Narcolist” video na si Peter Joemel Advincula alyas “Bikoy” matapos sumentro ang mga nakuhang ebidensya at testimonya ng mga testigo laban sa kanya sa pagdukot at pagpatay sa tatlong kandidato ng Donsol, Sorsogon sa Purok 6, Brgy. Busay ng bayang ito noong Biyernes.

Sa panayam kay Lt. Col. Bogard Arao, hepe ng Daraga Police, mismong ang prosekusyon ang nagsabi na malakas ang kasong isinampa laban kay Advincula na nakakulong ngayon sa himpilan at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Tig-iisang tama ng bala sa ulo mula sa kalibre 9mm na baril ang ikinasawi nina Councilor Helen Garay, na kumakandidatong bise-alkalde at ang mga negosyanteng kumakandidato namang konsehal na sina Karren Averilla at Xavier Mirasol.Nakaligtas naman sa pandudukot at ngayo’y testigo si Lalaine Herrera Amor.

Ayon kay Lt. Col. Arao, personal na galit ang naging motibo ni Advincula sa pamamaslang. Hindi umano pinautang ni Garay si Advincula sa mala­king halagang hinihiram nito dahil sa masamang impresyon na hindi marunong magbayad. 

Maliban dito ay nagalit pa umano ang nasabing suspek sa tatlo dahil hindi siya pinaunlakang sumapi sa partidong-UNA ng mga biktima kung saan ang asawa ni Bikoy ay kumakandidatong alkalde ng Donsol.

PETER JOEMEL ADVINCULA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with