P1.5 milyong reward sa killers ng Negros hospital consultant
BACOLOD CITY, Philippines — Mula sa P500,000 ay nasa P1.5 milyon na ang reward para sa ikakaaresto ng mga pumatay kay Provincial Consultant Mariano Antonio “Marton” Cui.
Ito ang sinabi ni Gov. Eugenio Jose Lacson upang agad na maaresto at makasuhan ang mga suspek at ipaalam ito kay Atty. Renoir Baldovino, hepe ng National Bureau of Investigation-Bacolod District Office, sa (O34) 703-2931.
Mahigit pitong buwan na nang patayin si Cui sa Brgy. Palampas, San Carlos City, Negros Occidental noong Abril 12 ng taong kasalukuyan, subalit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakilala ang nasa likod ng pagpatay sa biktima.
- Latest