^

Probinsiya

2 bebot pinatay sa saksak ng kelot

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 bebot pinatay sa saksak ng kelot
Kinilala ang mga biktima na sina Marinel Olanio at Aiza Canape habang nakatakas naman ang suspek na nakilala sa alyas na ‘June Granadino.’
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang babae nang pagsasaksakin ng isang lalaki na nakaalitan ng isa sa kanila sa Brgy. Sta. Ana, Taytay, Rizal kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Marinel Olanio at Aiza Canape habang nakatakas naman ang suspek na nakilala sa alyas na ‘June Granadino.’

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng Taytay Municipal Police Station, alas-10:00 ng umaga nang maganap ang krimen sa Purok 4, B1, Lot 39, Matalino St., Kupang Arenda, sa Brgy. Sta. Ana.

Nauna rito sa hindi pa batid na kadahilanan ay nagkaroon umano nang mainitang pagtatalo sa pagitan nina Olanio at Granadino.

Sa kasagsagan ng pagtatalo ay bigla na lang umanong nagbunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak si Olanio sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Tinangka naman ni Canape na awatin ang suspek ngunit maging siya ay pinagsasaksak rin nito.

Nang makitang duguan na ang mga biktima ay tumakas ang suspek patungo sa di pa batid na direksiyon, bitbit ang patalim na ginamit sa krimen.

vuukle comment

AIZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with