^

Probinsiya

3 kotse nabiktima ng aklas gulong gang’

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Umaabot na sa tatlong kotseng Toyota Vios ang nabiktima ng gumagalang mga magnanakaw ng gulong sa lungsod na ito.

Ayon sa pulisya, ang modus ng mga salarin­ ay tutukuran ng bato ang mga sasakyan at nana­kawin ang apat na gulong ng mga ito.

Unang tinira ng mga kawatan noong pagpasok ng buwan ng Oktubre ang isang Vios na nakaparada malapit sa public cemetery ng lungsod.

Kasunod ang isang Vios na nakaparada sa parking lot ng Meralco office na tinira bandang alas-6:00 ng umaga.

Ayon sa ilang nakapansin, inakala nilang gina­gawa lamang ang kotse kaya tinatanggal ang apat na gulong nito.

Kasunod na nabiktima ang isa pang Vios na naka-park sa harap ng isang drug store sa national highway na katapatan lamang ng SM-City Lucena.

May teorya ang mga imbestigador na apat hang­gang lima katao ang magkakasamang guma­gawa ng pagnanakaw at gumagamit ng crocodile jack para mabilis ang pagkuha ng gulong.

May mga dala na rin umanong pangkalang na bato ang mga suspek na gumagamit ng isang closed na sasakyan na kargahan ng mga nanakaw ng gulong.

Ayon pa sa pulisya, posibleng mga taga-ibang lugar ang mga suspek at dumadayo lamang sa lungsod.

Inatasan ni PLt. Col. Romulo Albacea ang kan­yang mga tauhan na paigtingin pa ang police visi­bility at nanawagan sa mga barangay officials na pakalatin ang mga barangay police at agad na sitahin ang indibidwal o grupo na kumikilos ng ka­hina-hinala sa harapan ng mga sasakyang naka­parada sa gilid ng kalye.

TOYOTA VIOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with