2 lungsod, 19 bayan sa Ilocos Sur isinailalim sa ECQ
MANILA, Philippines — Inilagay ang dalawang siyudad at 19 pang bayan sa Ilocos Sur sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa loob ng 15 araw upang mapigil ang pagtaas ng COVID-19 infections sa lalawigan.
Sa ilalim ng Executive Order 106 series of 2021 ni Ilocos Sur Gov. Ryan Singson, ang mga lungsod na ilalagay sa ECQ ay ang Vigan at Candon, habang ang 19 bayan ay ang Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Sto. Domingo, San Ildefonso, Sta. Catalina, San Vicente, Bantay, Caoayan, Santa, Narvacan, Sta. Maria, Santiago, Sta. Lucia, Sta. Cruz, Salcedo, Gregorio del Pilar at Suyo.
Ipatutupad ang ECQ sa nasabing mga lugar bukas o mula Setyembre 22 hanggang Oktubre 6, 2021.
Ang Ilocos Sur ay 32 bayan at may dalawa lang na lungsod.
Upang ma-minimize ang galaw ng mga tao, ang mga pampublikong transportasyon ay suspendido sa kasagsagan ng ECQ. Mahigpit namang ipatutupad ang home quarantine sa mga apektadong lugar. Ang mga residente ay pinapayagan lamang na lumabas para makakuha ng kanilang mga pangangailangan at sa emergency purposes.
Ang mga Persons Outside Residents (APORs), personnel na nasa cargoes at deliveries, passers-by at returning overseas Filipinos (ROF) ay pinapayagan na pumasok sa lalawigan subalit kailangan nilang sumunod sa mga strict protocols.
Samantala, mag-iisyu ng workers’ pass para sa mga empleyado ng mga negosyo na pinapayagang magbukas sa ECQ. Ang curfew ay mula alas-9 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga sa naturang mga lugar.
- Latest