^

Probinsiya

P422 milyong iniwang ­pinsala ni ‘KIKO’ sa Batanes

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit P422 milyon ang iniwang pinsala ng bagyong Kiko sa probinsya ng Batanes.

Ito ang kinumpirma ni Governor Marilou Cayco  at sa  inisyal na pagtaya, kabilang sa mga na­ging pinsala ay ang mga tahanan na nasa P38.9 ­milyon, mga imprastraktura na nasa P237 milyon, P119 mil­yon naman para sa agrikultura at P32 mil­yon mga nasi­rang poste.

“Sa 310 km/h na bugso ng hanging napakalawak ng pinsalang idinulot ng supertyphoon sa a­ming probinsya. Just ima­gine, yung isang container van inilipad at napunta sa bubong ng DepEd,” sinabi ni Cayco sa panayam sa radyo.

Sa kabila ng iniwang pinsala, pasalamat pa rin umano ang probinsya dahil walang naitalang nasawi dito bagama’t mayroong 27 nasaktan at 56 nawalan ng tirahan.

Patuloy pa rin ang assessment ng pamahalaang panlalawigan at magbibigay ng kumpletong detalye sa oras na matapos na ito.

Nananawagan naman ng tulong ang probinsya para sa bigas, kahoy at yero upang makapag­simula ulit ang kanilang mga residente.

KIKO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with