^

Probinsiya

Motorsiklo sumalpok sa ­nakaparadang sasakyan: 2 patay!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Motorsiklo sumalpok sa ­nakaparadang sasakyan: 2 patay!
Ang mga biktima na kapwa nabasag ang bungo at nagtamo ng grabeng pinsala sa kanilang mga katawan ay kinilalang sina Van ­Jerick Cayabat, binata ng Purok 2 ng nasabing barangay at Jerson Sarion, 24, binata ng Barangay Calumpang, Tayabas City.
STAR/ File

SARIAYA, Quezon, Philippines — Kapwa hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang 19-anyos na lalaki at kanyang angkas makaraang bumangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang sasakyang nakaparada sa gilid ng Maharlika Highway na sakop ng Barangay Gibanga ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima na kapwa nabasag ang bungo at nagtamo ng grabeng pinsala sa kanilang mga katawan ay kinilalang sina Van ­Jerick Cayabat, binata ng Purok 2 ng nasabing barangay at Jerson Sarion, 24, binata ng Barangay Calumpang, Tayabas City.

Ayon Kay P/Lt. Col. William Angway, chief of police rito, bandang alas-11:00 ng gabi ay minamaneho ni Cayabat ang isang Honda Wave motorcycle at nakaangkas si Sarion. Dahil sa walang ilaw sa lugar at mabilis ang takbo ay hindi nila napansin ang isang four wheeler vehicle na nakaparada sa gilid ng kalye at tuluyan nila itong sinalpok.

Nadala pa ng mga saksi ang mga biktima sa Lucena United Doctors Hospital (LUDH) sa Lucena City subalit sa daan pa lamang ay kapwa sila nalagutan ng hininga.

vuukle comment

TAYABAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with