3.3 milyong forest seedlings naitanim sa Nuela Vizcaya
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Mahigit sa 3.3 million na puno ng mga forest trees ang naipamahagi ng isang minahan at naitanim sa iba’t ibang lugar sa lalawigang ito, ayon sa ulat kahapon.
Batay sa datos na ipinalabas ng FCF mining Corporation na naka-base sa Barangay Runruno sa bayan ng Quezon, ang mga naitanim na mga kahoy ay kinabibilangan ng Yakal, Bagtikan at Guijo.
Ayon kay James Carmichael, country manager ng FCF, sa kabuuang 3,393,104 na mga seedlings,1,431,584 ang naitanim sa ilalim ng Mining Forest Program (MFP), 1,248,785 para sa National Greening Program (NGP) ng pamahalaan, 512, 451 para sa replacing program at 200,284 naman para sa Green House Gas Offsetting Program (GHGOP).
Umabot sa kabuuan na 2,140 hektarya ang nataniman sa loob at labas ng kanilang Financial Technical Assistance Agreement (FTAA) sa ilalim ng NGP.
Nasa 484.5 hektarya naman ang natamnan sa ilalim ng MFP habang umabot sa 234.1 na hektarya ang nataniman mula sa kanilang mga donasyon na naipamahagi sa iba’t ibang indibiduwal at mga LGUs sa lalawigan.
Bukod sa mga forest trees, patuloy ang pamimigay ng FCF ng libreng mga fruit bearing trees sa mga indibiduwal na nais magtanim ng mga punongkahoy kabilang na ang mga bamboo seedlings.
Personal na binisita nina Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan ng DENR at Mines and Geosciences Bureau (MGB) Regional Director Mario Ancheta ang reforestation project ng minahan kabilang ang kanilang mining rehab.
- Latest