^

Probinsiya

32 pang Delta variant cases sa Cagayan Valley, naitala

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
32 pang Delta variant cases sa Cagayan Valley, naitala
Batay sa report na natanggap ng RESU mula sa Department of Health (DOH) Central Office, ang karagdagang 32 Delta cases sa rehiyon ay batay sa mga samples na sinuri noong ika-25 at 26 ng Agosto.
AFP / Arun Sankar

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines —  Nasa 32 na panibagong kaso ng COVID-19 Delta va­riant ang naitala sa Cagayan Valley o Region 2, ayon sa ulat ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ka­makalawa.

Batay sa report na natanggap ng RESU mula sa Department of Health (DOH) Central Office, ang karagdagang 32 Delta cases sa rehiyon ay batay sa mga samples na sinuri noong ika-25 at 26 ng Agosto.

Sa nasabing bilang, pinakamataas ang kasong nailista sa Isabela na kinabibilangan ng Santiago City, 5; tig-2 sa mga bayan ng Aurora, Jones, San Mateo; habang tig-isa sa mga bayan ng  Tumaunini, Roxas, Alicia at  Ilagan City.

Sampung katao ang tinamaan ng Delta va­riant sa lalawigang ito na nagmula sa Tuguegarao City, 7; Allacapan, dalawa at Tuao, isa.

Ang Nueva Vizcaya ay nakapagtala rin ng limang kaso (dalawa sa Bagabag, tig-iisa sa mga bayan ng Bambang, Quezon at Dupax del Norte). Dalawang kaso rin ang naitala rin sa Cabaroguis, Quirino habang nanana­tiling Delta variant free ang lalawigan ng Batanes.

Dalawa sa mga pa­syente ng Delta variant ang nasawi habang ang 30 ay fully recovered na at natapos na rin nila ang kanilang mga quarantine period.

Sa kasalukuyan, nasa 7, 500 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong rehiyon; 75,000 ang confirmed cases habang 2,165 dito ang nasawi.

RESU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with