^

Probinsiya

Jailbreak: 3 preso nakapuga, hepe sinibak!

Cristina Timbang, Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Jailbreak: 3 preso nakapuga, hepe sinibak!
Kinilala ang mga nakapuga na sina Tristan Antonio, 19-anyos ng 15 Acacia St., Brgy. Ligtong, Rosario, Cavite na may kasong Theft; Rhino Reyes Ortega, residente ng Tanggulan St., Brgy. Kaingen, Kawit, Cavite at may kinakaharap na kasong carnapping at Jon-Jon Esquillo Cortesano Portez, 22, at may kasong droga.
Edd Gumban

CAVITE , Philippines — Tatlong preso na pawang may mga mabibigat na kaso ang nakapuga sa naganap na jailbreak na ikinasibak ng hepe ng Kawit Police Station sa nasabing bayan, ka­makalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nakapuga na sina Tristan Antonio, 19-anyos ng 15 Acacia St., Brgy. Ligtong, Rosario, Cavite na may kasong Theft; Rhino Reyes Ortega, residente ng Tanggulan St., Brgy. Kaingen, Kawit, Cavite at may kinakaharap na kasong carnapping at Jon-Jon Esquillo Cortesano Portez, 22, at may kasong droga.

Dahil sa pagpuga, sinibak agad ni Police Regional Office 4 director Brig. Gen. Eliseo Cruz ang hepe ng Kawit Municipal Police Station na si P/Major Joel Celestino Palmares matapos ang insidente ng pagpuga.

Sa nakalap na report, alas-6:30 ng gabi nang madiskubre ng nakatalagang pulis na nakatakas ang tatlong preso nang magsagawa ng inspection at head count sa kulungan.

Nabatid na sinira ng mga suspek ang padlock ng gate ng kulungan at dito mismo sila dumaan sa pagtakas.

Malaking katanu­ngan rin na sa ganoong oras ay nakatakas ang mga preso at mismong sa main entrance pa ng gate ng kulungan dumaan nang wala man lang nakapansin na pulis sa kanilang paglabas. Malamang umanong sumabay ang tatlo sa paglabas-pasok ng mga dalaw kung kaya hindi ito napuna ng mga bantay.

Sa follow-up operation ng pulisya, agad na naaresto ang nakatakas na si Ortega habang tinutugis pa ang dalawang pugante.

ELISEO CRUZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with