^

Probinsiya

2D Module Legends radio-base learning system inilunsad sa Albay

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines —  Sa wakas, magkakaroon na ng isang “distance learning system” sa Albay sa pamamagitan ng radio broadcasting na lubhang kailangan at malaki ang maitutulong sa mga mag-aaral para malayo sa panganib dulot ng pandemya ng COVID 19.

Ito’y matapos na ­ilunsad kamakalawa ng The Albay Youth Organizations Inc. (TAYO), Department of Education (DepED) at United States Agency for International Development (USAID) ang “2D Mo­dule Legends-2D On-Air Learning Project”.

 Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman at 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, ang nasabing proyekto ay magkakatulong na isinusulong ng mga institusyong lokal, nasyunal at internasyunal.  

Ang proyektong Mo­dule Legends ay suportado ng tanggapan ni Salceda na namahagi na ng 1,500 radio sets nang ilunsad ito kasabay ng paglalagda ng isang memorandum of agreement (MOA) kaugnay ng proyekto.

“Lubhang mahalaga ang patas na malayuang pag-aaral upang maiwasan ang panghabangbuhay na kawalan ng natutunan. Ang pagkalugi sa natutunan sa ilalim ng hindi patas na malayuang pag-aaral ay aabot sa katumbas na 16% ng panghabangbuhay na kita, at katumbas din ng tatlo hanggang anim na taon nawala sa dapat natutunan,” pahayag ni Salceda na nag-ambag din sa gastusin sa airtime ng brodkasting.

 Nilalayon ng proyektong Module Legends na lumikha at mag-ere ng mga “broadcast learning modules” sa pamamagitn ng mga lokal na himpilan ng radyo. Suportado ito ng Bicol University, DepEd Division Offices sa Albay at Legazpi City, at ng Youth Development Alliance (YDA).

 Binigyang diin ni Salceda na mahalaga at kapaki-pakinabang ang naturang proyekto dahil nananatiling mabisa ang radyo bilang instrumento ng komunikasyon sa Albay. Inaasahang magiging isa ito sa pinakamalaking “radio-based learning systems’ at magiging modelo sa “fle­xible learning system” sa bansa.

LEARNING SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with