^

Probinsiya

78-anyos lolo lasog sa truck ng sundalo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

DEL GALLEGO, Camarines Sur , Philippines — Nagkalasug-lasog ang 78-anyos na lolo matapos mabangga ng pick-up truck ng isang sundalo sa kahabaan ng Andaya Highway sa Brgy. Comadogcadog ng bayang ito kamakalawa ng madaling araw.

Tinangka pang isugod sa Tagkawayan District Hospital sa Tagkawayan, Quezon pero idinekla­rang dead-on-arrival ang biktimang si Domingo Secretario Rellama, alyas “Mang Inggo”, residente ng Brgy. Cabasag dahil sa grabeng pinsalang inabot sa katawan at ulo.

Sumuko naman sa mga pulis ang driver ng nakabanggang sasakyan na si Army Cpl. Hermito Cado Fresco, 43-anyos, residente ng Brgy. Lobaloba, Libmanan.

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng madaling araw habang sakay ng Nissan Navarra (ZRU-223) mula sa Tarlac patungong bayan ng Pili ang grupo ni Cpl. Fresco nang maganap ang insidente.

Habang binabagtas ng pickup truck ang kahabaan ng highway nang biglang tumawid sa kalsada ang matanda dahilan para mabangga ito.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumalsik ang lolo ng ilang metro at namatay noon din.

vuukle comment

ANDAYA HIGHWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with