^

Probinsiya

Davao Oriental jail nilusob ng ‘kulto’: 1 utas, 7 pumuga

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Davao Oriental jail nilusob ng ‘kulto’: 1 utas, 7 pumuga
Sa ulat ng Mati Police, nasa 25 na armadong mi­yembro ng “Panatikan”, isa umanong orga­nisasyong pangrelihiyon, ang umatake sa nabanggit na pasilidad dakong alas-2:00 ng hapon upang “i-rescue” ang kanilang pinuno at mga kasamahan na nakapiit sa nasabing bilangguan.
STAR/ File

NORTH COTABATO, Philippines – Patay ang isang pinaniniwalaang miyembro ng kulto habang nakapuga ang pitong bilanggo kabilang ang lider ng kanilang grupo matapos lusubin ang Davao Oriental Provincial Jail at magkabakbakan sa Purok Maliga, Barangay Sainz ng lungsod ng Mati, dito, noong Sabado ng hapon.

Sa ulat ng Mati Police, nasa 25 na armadong mi­yembro ng “Panatikan”, isa umanong orga­nisasyong pangrelihiyon, ang umatake sa nabanggit na pasilidad dakong alas-2:00 ng hapon upang “i-rescue” ang kanilang pinuno at mga kasamahan na nakapiit sa nasabing bilangguan.

Nagkaroon ng engkuwentro sa loob ng kulungan sa pagitan ng mga umatakeng grupo at rumespondeng mga pulis at sundalo.

Isa sa mga miyembro ng nasabing kulto ang nasawi sa bakbakan na kasalukuyang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan.

Gayunman, matagumpay na naitakas ng grupo ang kanilang lider na kinilalang si Cornelo Galon III na may kinakaharap na kasong paglabag sa Presidential Decree 1866 at Republic Act No. 9516 o “Unlawful manufacture, sales, acquisition, disposition, importation or possession of an explosive or incendiary device.”

Naitakas din ng armadong grupo ang mga kasamahang preso na sina Dominador Lintuan, Laudeco Lintuan, Su­gaan Gil, Arjowe Lintuan, Ranjay Baluro at Inabitan Ismadi na may iba’t ibang kasong kinasasangkutan.

PUROK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with