Dagdag umento ng CES itinutulak ni Rep. Duterte
MANILA, Philippines — Itinutulak ngayon ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang isang panukalang batas na naglalayong madagdagan ang sahod at benepisyo ng mga Career Executive Service (CES) sa bansa.
Nakasaad sa House Bill No. 9962 ang mga dagdag na prebelihiyo sa mga CES bukod sa kanilang dagdag sa sahod.
“Nais po natin magkaroon ng special allowances, retirement benefits para kanilang magandang pagganap sa kanilang mga tungkulin upang mapanatili ang good governance at accountability in public service,” pahayag ni Rep. Duterte na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sabi rin sa HB No. 9962 na ang isang miyembro ng CES ay maaari nang makapagretiro at makatanggap ng benepisyo kung siya ay nasa 60 taong gulang na at nanungkulan sa gobyerno ng 15 taon. Samantalang ang mababa sa 15 taong panunungkulan ay magkakaroon din base sa pro-rata pension.
Kaakda ni Rep. Duterte si Benguet province caretaker Rep. Eric Yap sa nasabing panukalang batas na inaasahan na magiging malaking tulong sa mga miyembro ng CES sa buong bansa.
- Latest