^

Probinsiya

Dump truck nawalan ng preno: 1 dedo, 2 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Dump truck nawalan ng preno: 1 dedo, 2 sugatan
Kinilala ng mga awtoridad ang nasawing biktima na si Charly Dave Dapapac, 22, tricycle driver, at residente ng Sitio Tagbac, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal habang ang mga sugatan ay sina Rosita Alsonado, 67, ng Block 8 Lot 17 Villa Consolation Subd., Brgy. San Jose, Antipolo City at Arnold Gravador, 26, porter, at residente ng Lugawan, Catmon, Sta. Maria, Bulacan.
STAR/ File

Mga sasakyan, kabahayan at sari-sari store inararo

RIZAL, Philippines — Isang tricycle driver ang patay habang dalawang residente ang sugatan nang araruhin ng isang dump truck ang tatlong sasakyan, mga kabahayan at isang sari-sari store nang mawalan ito ng preno sa pababang bahagi ng kalsada sa Antipolo City kahapon ng umaga.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasawing biktima na si Charly Dave Dapapac, 22, tricycle driver, at residente ng Sitio Tagbac, Brgy. San Jose, Antipolo City, Rizal habang ang mga sugatan ay sina Rosita Alsonado, 67, ng Block 8 Lot 17 Villa Consolation Subd., Brgy. San Jose, Antipolo City at Arnold Gravador, 26, porter, at residente ng Lugawan, Catmon, Sta. Maria, Bulacan.

Arestado naman at sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and multiple injuries ang truck driver na si Romeo Gacho, ng Alberto St. KM 37 Pulong Buhangin, Sta. Maria, Bulacan.

Batay sa ulat, alas-6:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa Sitio Junction, Brgy. San Jose, nasabing lungsod.

Minamaneho umano ng suspek ang isang pulang Shacman 12-wheeler dump truck (NEK-1079) at may sakay na gypsum at binabagtas ang Provincial Road sa Brgy. San Jose, Antipolo City patungong direksiyon ng Cemex, nang pagsapit sa pababang bahagi ng lugar ay bigla na lang umano itong mawalan ng preno.

Sanhi nito, sinalpok ng dump truck ang isang Isuzu Hi-Lander wagon (WGC-634), isang Yamaha Mio i125 na motorsiklo at isang Kawasaki BC175 na motorsiklo, bago tuluyang inararo ang mga kabahayan sa lugar, gayundin ang sari-sari store na pagma-may-ari ni Rosalinda San Jose, 61, at ilang pang nakaparadang motorsiklo.

Ligtas naman ang driver ng truck pati na ang pahinante nito ngunit nadamay na nasugatan ang mga biktima, na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa kanila.

DAVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with