Motor rumampa: Rider dedo, babaeng angkas kritikal
CAVITE, Philippines — Patay ang isang rider habang nasa malubhang kalagayan ang kanyang angkas matapos na kapwa tumilapon nang rumampa sa center island at pumailalim pa sa nauunang truck kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Gov. Drive, Brgy. Maduya, Carmona, dito.
Patay agad sa insidente ang biktimang si Ruel Banaag, 36, nagsisilbing driver ng Honda motorcycle (1018VS) habang inoobserbahan sa pagamutan ang angkas na si Larabeth Añaga, 28, habang nasa kustodya na ng pulisya si Samuel Dagondon, 51, at driver ng Isuzu tractor na may plakang RBU 713.
Sa ulat, alas-11:15 ng gabi, bumabagtas sa kahabaan ng Gov. Drive sa Brgy. Maduya Carmona ang magkaangkas na biktima habang nasa unahan nila ang truck ni Dagondon. Kapwa may kabilisan ang kanilang patakbo nang hindi mapansin ni Banaag ang center island kaya dito na sila rumampa.
Kapwa lumipad ang magkaangkas at pumailalim sa trak na nasa kanilang unahan dahilan upang kapwa sila magulangan.
Dead-on-the spot si Banaag habang isinugod sa pagamutan ang backrider nitong babae.
- Latest