^

Probinsiya

72 vintage bomb natagpuan sa Bataan

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

BAGAC, Bataan, Philippines — Nasa 72 vintage bomb ang natagpuan ng mga residente sa magkahiwalay na bayan sa Abucay at Bagac ng lalawigang ito, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Unang natagpuan ang 56 na vintage sa isang taniman ng kamote sa isang bakanteng lote sa Barangay Parang sa Bagac habang 16 ang natagpuan naman sa isang ilog sa Barangay Capitangan sa Abucay.

Ayon sa barangay tanod na si Nelson Sanchez at mga residente na malapit sa ilog, nakita nila ang ilang mga nakausli at kinakalawang na mga bakal na dinadaanan ng agos ng tubig at ang iba ay nasa mga mabatong parte ng ilog kaya agad nilang ipinagbigay-alam sa kanilang barangay.

Agad namang naki­pag-ugnayan ang barangay sa Bataan Provincial Explosive Ordinance and Canine Unit (PECU) Team na maagap na rumes­ponde at nakumpirmang 16 vintage bomb ang mga nakitang bakal sa ilog.

Samantala, ang 56 pang vintage bomb ay nahukay naman ng mga resi­dente sa lote ng nasabing taniman ng kamote kaya inireport agad sa mga otoridad.

vuukle comment

VINTAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with