Mangingisda na nawawala sa Pangasinan, nasagip sa Ilocos
BAGUIO CITY, Philippines — Himalang nabuhay ang isang mangingisda sa Pangasinan na tatlong araw nang nawawala matapos na matagpuan ng mag-amang mangingisda habang palutang-lutang ang una sa karagatang sakop ng Ilocos Sur, ayon sa pulisya kahapon.
Kinilala ang nasagip na mangingisda na si Romy Dulay, 53, may asawa at residente ng Brgy. Balingsay, Bolinao, Pangasinan.
Si Dulay ay naispatan ng mag-amang sina Jimmy at Joshua Baldeviso habang nakakapit sa styrofoam at nakalutang sa dagat ng San Esteban sa Ilocos Sur, may 29 milya ang layo mula sa pampang.
Ipinagbigay-alam ng mag-ama ang pagkakaligtas kay Dulay sa San Sebastian Police hanggang sa dalhin ang huli sa Ilocos Sur District Hospital sa Narvacan, para sa medical checkup at gamutan bago siya inuwi sa Pangasinan.
Nabatid na Agosto 5, 2021 nang magtungo si Dulay sa karagatan upang mangisda sa kabila ng masungit na panahon dulot ng habagat. Lumubog ang kanyang bangka dahil sa mga malalakas na hampas ng alon.
- Latest