25-anyos na NPA leader, 1 pa sumurender
MAGUINDANAO, Philippines — Isang mataas na lider ng komunistang New People’s Army at isa pa nitong tagasunod ang kumalas sa kilusan at nagbalik-loob sagobyerno sa pamamagitan ng pagsuko sa tropa ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central sa Sitio Dulunan, Barangay Wasay, Kalamansig, Sultan Kudarat, kamakalawa.
Ayon kay Lt. Col. John Paul Baldomar, tagapagsalita ng 6ID at JTF Central na ang dalawang mga rebelde na ‘di pa pinangalanan ay nagdesisyon na sumuko dahil sa walang humpay na pagtugis sa kanila ng mga sundalo at nahihirapan na rin sa kanilang sitwasiyon sa kabundukan sa Sultan Kudarat.
Sinabi ni Lt. Col. Rommel Valencia, commanding officer ng 7th Infantry (TAPAT) Battalion na isang 25-anyos na kumander ng Platoon WEST, Sub Regional Command-MUSA, Far South Mindanao Region (FSMR) ang isa sa sumuko habang ang isa ay kasapi ng Platoon My Phone-DAGUMA, FSMR.
Isinuko rin ng dalawa ang bitbit nilang mga armas na isang (1) 7.62mm M14 rifle at isang (1) Cal .30 M1 Garand Rifle.
Iprinisinta ang dalawang sumukong rebelde ni Brig. General Roy Galido, commander ng 601st Infantry (UNIFIER) Brigade kasama ang kasapi ng pulisya kay Sultan Kudarat Governor Suharto “Teng” Mangudadatu kung saan nabigyan sila ng tulong pinansiyal sa pamamagitan ng mga isinuko nilang baril sa Sangguniang Panlalawigan Session Hall, Provincial Capitol, Isulan, Sultan Kudarat nitong ika-5 ng Agosto, 2021.
- Latest