Treasure hunter todas sa kuweba
![Treasure hunter todas sa kuweba](https://media.philstar.com/photos/2021/07/29/patay_2021-07-29_23-14-30.jpg)
DATU ODIN SINSUAT, Maguindanao, Philippines — Patay na nang matagpuan ang isa sa tatlong mga treasure hunter na pinaniniwalaang na-suffocate sa kuweba sa Sitio Nabilan, Dimapatoy, Barangay Proper Dinaig ng nasabing bayan, kamakalawa.
Kinilala ang namatay na si Anwar Ayao Zacari, 31-anyos at residente ng nabanggit na lugar habang ligtas naman ang dalawa nitong mga kasamahan.
Ayon kay BFP Maguindanao Provincial Director S/INSP. Ronald Ali Ampang, pumasok sa kuweba ang tatlong treasure hunter upang magbakasakaling may makuhang kayamanan.
Nanguna ang rescue team ng Maguindanao at BARMM sa pagligtas sa mga biktima na na-trap sa kuweba.
- Latest