^

Probinsiya

13-anyos nahulihan ng sangkaterbang armas sa military checkpoint

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO, Philippines — Isang 13-an­­yos na binatilyo ang inaresto ng mga otoridad dahil sa pagdadala nito ng matataas na kalibre ng  baril sa lalawigang ito, kamakalawa.

Ayon kay Ist Mechanized Battalion Commander Lieutenant Co­lonel Cresencio Sanchez Jr., na namataan nila sa kanilang military checkpoint sa Barangay Nabundas Shariff Saydona Mustapha Ma­guindanao ang isang 13-anyos na nagmamaneho ng kuliglig.

Nakuha sa loob ng kuliglig o tractor ang (1) M16 (Bushmaster), (1) M16 Rifle, 38 pieces of M16 Barrels, six (6) pieces of M14 Back Plate, two (2) pieces of M16 Butt plates, assorted parts for M14 and M16 rifles, one (1) unit Welding­ Machine, and three (3) pieces Metal clamp.

Naniniwala  si Sanchez na pagmamay-ari ng BIFF ang mga armas at ginagamit ang mga menor de edad para mailusot.

Pinuri naman ni 6th Infantry (Kampilan) Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Juvymax Uy ang tropa ng Ist Mecha­nized BC at mga intel units.

TRACTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with