^

Probinsiya

Diarrhea outbreak sa Davao del Norte: 1 patay, 47 naospital

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Diarrhea outbreak sa Davao del Norte: 1 patay, 47 naospital
Dahil dito, idineklara ni Mayor Ernesto Evangelista ang “diarrhea outbreak” sa kanyang bayan, batay sa inilabas na pahayag kamakalawa ng Municipal Information Office (MIO).

NORTH COTABATO, Philippines — Isang 58-anyos na lalaki ang nasawi habang 47 katao pa ang isinugod sa ospital matapos tamaan ng diarrhea sa Brgy. Tulalian,  Sto. Tomas, Davao del Norte.

Dahil dito, idineklara ni Mayor Ernesto Evangelista ang “diarrhea outbreak” sa kanyang bayan, batay sa inilabas na pahayag kamakalawa ng Municipal Information Office (MIO).

Ang 47 na residente ay isinugod sa iba’t ibang ospital matapos na makaramdam ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagtatae.

Sa ulat ng Municipal Health Office ng bayan, ang mga residenteng naapektuhan ay mula sa mga Purok 1, 3, 4, 5, 7, 8, 12, 13 at 15A mula sa Barangay Tulalian.

Mabilis namang rumesponde ang Quick Reaction Team (QRT) ng bayan nagpadala agad ng dalawang mga doktor at nurses upang tiyakin na mabigyan ng health and sanitation services ang mga apektadong residente at tiyakin na ‘di na lumawak pa ang epekto ng diarrhea.

Sa ulat ni Municipal health officer Dr. June Li, nasa 171 na residente ang na-diagnosed na may acute diarrhea secondary to amoebiasis.

Dahil dito, sinabi ni Charlemagne Fernandez, MHO administrator na nagsisiyasat na ang pamahalaang lokal para alamin kung ano ang sanhi ng pagtatae ng mga residente.

DIARRHEA OUTBREAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with