^

Probinsiya

Iloilo, Iloilo City, Gingoog at CDO inilagay sa ECQ

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Iloilo, Iloilo City, Gingoog at CDO inilagay sa ECQ
Ang ECQ ang pina­kamahigpit sa hanay ng mga ipinatutupad na community qua­rantine kung saan limitado ang galaw ng mga tao.
The STAR/Miguel de Guzman, file

MANILA, Philippines — Inilagay ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases sa enhanced community quarantine (ECQ) ang probinsya ng Iloilo at mga siyudad ng Iloilo, Gingoog at Cagayan de Oro (CDO) upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ang ECQ ang pina­kamahigpit sa hanay ng mga ipinatutupad na community qua­rantine kung saan limitado ang galaw ng mga tao.

Iiral ang ECQ sa mga nabanggit na lugar hanggang Hulyo 31, 2021.

Inilagay naman sa general community quarantine (GCQ) na may “heightened res­trictions” ang Misamis Oriental at Antique.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang pagbabago sa klasipikasyon ng mga nabanggit na lugar ay base sa rekomendasyon ng Department of Health at technical advisory group ng departamento.

ECQ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with