^

Probinsiya

6 timbog sa drug ops sa Lucena

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Anim katao kabilang ang isang mag-ama at mag-live in partner ang nalambat ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) at 403rd PNP Maritime Group matapos na magsagawa ng anti-drug operation sa dalawang barangay, dito sa lungsod kahapon.

Ayon Kay P/Lt. Romulo Albacea, hepe ng Lucena City Police, unang isinagawa ang buy-bust operation sa Purok Camia, Barangay 10 at naaresto ang mag-amang Rodolfo, 52, at Dee Jay Roxas, 25, kapwa napiit na sa kasong pag­labag sa RA 9165. Nakuha buhat sa kanilang pag-iingat ang 1.30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P26,500 at P500 marked money.

Alas-9:20 naman ng umaga nang masakote sa Barangay Ransohan ang mag-live in na sina Jaynard Avila, at Rizza Lagrazon. Nakumpiskahan sila ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 9.5 grams at nagkakahalaga ng P193,800.00 at marked money.

Nalambat naman ng dakong alas-9:35 sa nabanggit ding barangay ang magkumpareng Jonathan Jalla, 42, at Mario Aclan na nakum­piskahan ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P172,584.

vuukle comment

DRUG OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with