P2.7 milyong marijuana winasak sa Kalinga
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tinatayang nasa P2,700,000.00 na halaga ng puno ng marijuana ang binunot at sinunog ng mga awtoridad sa bahagi ng Tulgao East, Tinglayan, Kalinga, kamakalawa.
Ayon sa ulat ng Kalinga Provincial Police Office, umabot sa 13,500 mga malalaking puno ng marijuana ang winasak ng pinasanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Kalinga police, RID/RSOG/RPDEU, RIU 14 at Tinglayan Police mula sa dalawang plantasyon na nadiskubre sa lugar.
Ang nasabing operasyon ay bahagi ng “Oplan 15 muggles” ng PNP sa tulong ng ilang mga residente na nagbibigay ng mga impormasyon para tuluyang mawasak ang mga plantasyon sa lalawigan lalo na sa bayan ng Tinglayan.
Simula Enero nitong 2021 ay humigit kumulang na sa kalahating bilyon ang halaga ng mga nasirang marijuana mula sa ibat-ibang plantasyon sa lalawigan kung saan pinakamarami ang nadiskubre sa nasasakupan ng Tingalayan.
- Latest