^

Probinsiya

Pre-SONA isinagawa sa BARMM

Rho­derick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO, Philippines — Isinagawa ng Presidential Communications Operations Office, Office of the Cabinet Secretary at Department of National Defense ang pre-SONA (State of the Nation Address) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Min­danao (BARMM) sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Cotabato city nitong Martes.

Ito ay bahagi umano ng ikaanim at panghuling SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte na itinakda sa Hulyo 26, 2021 kung saan inilahad dito ang lahat ng mga napagtagumpayang programa ng administrasyon.

Lumahok sa nasabing pre-SONA series ang ilang mga matataas na opisyal ng rehiyon, PNP, AFP; mga alkalde, at iba pang sektor kung saan panauhing pandangal sina Cabinet Secretary Karlo Nograles at Defense Secretary Delfin Lorenza.

Sinabi ni Cabinet Secretary Nograles na isa sa mga pinagtuunan ng pansin ng Pangulo ay ang problema ng kagutuman sa bansa at masasabi anya itong napagtagumpayan ng administrasyong Duterte.

Bukod dito, nabigyan din ng pagkakataon ang regional government ng BARMM sa mga cabinet member ng Pangulo na ihayag ang mga nakamit ng rehiyon mula nang maitatag ito noong 2019.

SONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with