^

Probinsiya

2 terorista bulagta sa engkuwentro!

Pilipino Star Ngayon
2 terorista bulagta sa engkuwentro!
Ayon sa report, ihahain sana ng mga otoridad ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Alberto Quinto laban sa dalawang nabanggit na suspek nang makipagbarilan umano sila sa mga otoridad.
STAR/ File

NORTH COTABATO, Philippines — Bumulagta ang dalawang Top 2 most wanted persons ng Lanao del Sur Police Provincial Office at sinasabing miyembro rin ng Dawlah Islamiah Maute Group matapos makipagpalitan ng putok sa isinagawang pagsalakay sa kanilang hideout sa Barira, Maguindanao, kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Maganduga Mitmug Madlawan at Hassanor Dilna Madlawan na pawang may kinakaharap na kasong murder.

Ayon sa report, ihahain sana ng mga otoridad ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Alberto Quinto laban sa dalawang nabanggit na suspek nang makipagbarilan umano sila sa mga otoridad.

Sugatan naman ang isang pulis sa operasyon na nilalapatan na ng lunas sa Notre Dame Hospital.

Narekober sa mga napaslang na suspek ang isang Colt MK IV series 80 na may isang magazine at mga bala, at isang Para Ordnance P.45 na may isang magazine at 3 bala.

vuukle comment

NOTRE DAME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with