^

Probinsiya

Chopper bumagsak sa Tarlac, 6 utas

Doris Franche, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Chopper bumagsak sa Tarlac, 6 utas
Ayon sa Phillippine Air Force (PAF), pabalik na sana ang helicopter na naka-deploy sa 205th tactical wing sa Clark Air­base sa Pampanga nang maganap ang insi­dente.
PAF via PNA

MANILA, Philippines — Isang S-70i Black Hawk utility helicopter na nagsasagawa ng night flight training exer­cise ang bumagsak sa Capas, Tarlac na ikinasawi ng anim na katao kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Phillippine Air Force (PAF),  pabalik na sana ang helicopter na naka-deploy sa 205th tactical wing sa Clark Air­base sa Pampanga nang maganap ang insi­dente.

Ayon kay Colonel Ernesto Rabina na nakabase sa Airbase ng Tarlac na ang bagong biling chopper ay nagsasagawa ng night flight training exercise nang maganap ang aksidente.

Ayon sa ipina­dalang official statement ng PAF na ibinigay sa Northern Luzon Command, naiulat na ang helicopter ay hindi nakarating sa takdang oras sa kanyang station Clark Air Base, Pampanga.

Anila, ang night flight training ay sad­yang delikado, pero kailangang pagsana­yan ng mga piloto.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Defense Secretary Delfin Lorenzana, sa pamilya ng tatlong nasawing piloto at tatlong airmen na hindi muna pina­nga­l­anan.

Hindi muna ipapa­ga­­mit ang lahat ng  Blackhawk chopper habang isinasagawa ang im­bestigasyon.

BLACK HAWK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with