^

Probinsiya

16-anyos na 'binaril habang nakaposas' sa Laguna drug operations ikinabahala

James Relativo - Philstar.com
16-anyos na 'binaril habang nakaposas' sa Laguna drug operations ikinabahala
Satellite image ng San Pedro, Laguna mula sa kalawakan
Google Maps; The STAR / Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Magsasagawa ng sarili nilang imbestigasyon ang Commission on Human Rights (atapos pumutok ang balitang isang menor de edad na naman ang napatay sa gitna ng "gera kontra droga" — ngayon, habang nakagapos diumano sa kamay ng Philippine National Police.

Miyerkules nang magkasa ng anti-drug operations ang kapulisan sa San Pedro, Laguna, dahilan para masawi ang 16-anyos na si Johndy Maglinte at kasamang si Antonio Dalit.

Batay sa report ng PNP Calabarzon, hahainan sana nila ng warrant of arrest ang mga napatay, ngunit "nakipagpalitan" daw ng putok. Kaso, hindi ganyan ang testimonya ng mga kamag-anak ng napatay.

"In contrast, Maglinte’s live-in partner, who is also a minor, recounted in several media interviews how Dalit was killed first and, since Johndy witnessed the alleged killing, the police reportedly shot him too—handcuffed and facing down into the mud," ani CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia, Biyernes.

"We shall be conducting our own independent probe on this incident to pursue the truth behind the incident and, more importantly, in pursuit of justice should it be proven that a human rights violation was perpetrated by the police."

Nangyari ang insidente ilang araw matapos pormal na hilingin ni outgoing International Criminal Court (ICC) prosecutor Fatou Bensouda ang pahintulot na simulan na ang imbestigasyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng "crimes against humaninity" dahil sa kanyang madugong war on drugs.

Sa huling ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency nitong Mayo, umabot na sa 6,117 katao ang napapatay sa anti-drug operations magmula 2016 hangganbg ika-30 ng Abril, 2021.

Labis namang hinihikayat ng CHR ang ang pamahalaan na pabilisin ang kanilang mga imbestigasyon sa mga extrajuidicial killings (EJK), lalo na pagdating sa mga may kinalaman sa gera kontra droga.

"Our government has the primary obligation to respect, protect, and fulfill the rights of all," patuloy ni De Guia.

"It is to the best interest of the government as well to demonstrate that lapses are firmly and urgently addressed and that reforms are also underway to allay concerns of the international community on the effectiveness of our domestic justice and accountability mechanisms."

Hindi nakaposas?

Sa panayam ng Radyo5 kanina, tiniyak naman ni PNP chef Gen. Guillermo Eleazar na sinisilip na ng Internal Affairs Service (IAS) ang mga ulat pagdating sa 'di nagtutugmang testimonya sa pagkamatay nina Maglinte.

"Una, hindi nakaposas [ang napatay tulad ng] sabi nila," giit ni Eleazar kina Ted Failon at DJ Chacha sa kanilang palatuntunan.

"Dati nang nahuli nung 2019, nag-plea bargain at nakalabas. Ito ‘yung basehan ng pag-serve ng warrant. Base sa sinabi ng pulis, involved sila sa iligal na droga."

Sa kabila nito, itinatanggi ng ina ni Maglinte ang anggulong "nanlaban" ang napatay, kahti na aminado silang may kinalaman ang nabanggit sa iligal na droga.

"Hindi ako naniniwala na may baril ‘yung anak ko kasi ni minsan ‘di ko nakita na naghahawak ng baril ‘yun. Ganun naman ginagawa nila nanlaban, sabihin may baril," sabi ng ina ni Johndy na si Christina.

"Gawa-gawa na lang nila ‘yan."

Kabilang sa naulila ni Johndy ang 1-anyos na sanggol at 17-anyos na live-in partner, na pawang buntis sa kanilang ikalawang anak.

Una nang sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi makikipagtulungan ang gobyerno ng Pilipinas sa anumang imbestigasyon ng ICC pagdating sa madugong kontra-droga ng administrasyong Duterte hanggang matapos ang kanyang termino sa 2022.

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

LAGUNA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SAN PEDRO

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with