^

Probinsiya

3 Lumad 'minasaker ng militar' sa Surigao del Sur habang nag-aani — rights group

James Relativo - Philstar.com
3 Lumad 'minasaker ng militar' sa Surigao del Sur habang nag-aani â rights group
Litrato nina Willy Rodriguez, Lenie Rivas at Angel Rivas
Released/Karapatan-Caraga

MANILA, Philippines — Binawian ng buhay ang tatlong Lumad-Manobo sa Mindanao, kasama ang isang menor de edad, matapos paulanan ng bala ng mga pwersang tinutukoy na bahagi ng Philippine Army.

Nag-aani kahapon ng abaka sa Brgy. Diatagon, Lianga ang Grade 6 student na si Angel Rivas (12-anyos) kasama sina Leni Rivas at Willy Rodriguez nang biglang paputukan diumano ng 3rd Special Forces Battalion, ulat ng Karapatan-Caraga.

Pawang mga residente ng Sitio Manluy-a, Brgy. Diatagon, Lianga, Surigao del Sur ang tatlo.

"The farmers were harvesting abaca hemp at their farm when the indiscriminate firing and massacre happened. Relatives said that the group asked permission from the military before going to the farm," ayon sa rights group, Miyerkules.

"3rd SFB troops purportedly brought the lifeless bodies of the three to the military brigade headquarters in St. Christine, Lianga and presented the victims as members of the New People’s Army."

Sa ilalim ng panuntunan ng NPA, mahigpit na ipinagbabawal ang pagsali ng mga wala pang edad na 18-taong-gulang.

Hindi pa naman tumutugon sa Philstar.com si Philippine National Police spokesperson Brig. Gen. Ronnie Olay kung may lead na sila sa naturang krimen, o kung militar ang pinaghihinalaan nilang gumawa nito. Wala pa ring binabanggit ang kapulisan kung talagang NPA ang mga nabanggit.

Nire-redtag bago mapatay

Sinasabing nag-aaral si Angel sa Lumad school na Tribal Filipino Program of Surigao del Sur (TRIFPSS) habang miyembro naman ng Malahutayong Pakigbisog alang sa Sumusunod (MAPASU) sina Willy at Lenie.

Ilan lang ang TRIFPSS at MAPASU sa mga institusyon at grupong nire-"redtag" ng gobyerno dahil sa kanilang pagtatanggol sa kanilang lupang ninuno, ayon sa Unyon ng mga Manggagawa sa Agrkultura (UMA).

"Kasuka-suka ang anti-minorya’t anti-pesanteng dahas ng rehimeng Duterte," wika ni UMA chairperson Antonio Flores kanina.

"Ginagamit nito ang armadong pwersa ng estado para sumupil ng mga magsasakang lumad sa ngalan ng pagmimina."

Ang Andap Valley na pinanggalingan ng pamilya ng mga biktima ay kilala hindi lang para sa mga sakahan ngunit pati na rin sa ginto, nikel at coal, bagay na pinag-iinteresan ng mga kumpanya ng mina.

Ikalawang Lianga massacre?

Ayon sa Karapatan-Caraga, ilang buwan nang nakakampo ang mga tropa ng 3rd SFB at 48th Infantry Battalion-Philippine Army (IBPA) sa komunidad ng Manluy-a. Maliban diyan, nagtayo na rin daw ng military detachment ang mga sundalo sa Km. 18.

Nangyari ang krimen ilang buwan bago ang ika-6 na anibersaryo ng "Lianga massacre," kung saan napatay diumano ng Magahat-Bagani paramilitary group ang Manobo leaders na sina Dionel Campos, Aurelio Sinzo at ALCADEV school director Emerico Samarca noong Setyembre 2015.

Dahil sa bagong insidente kahapon, tinatawag ito ngayon ng mga progresibong grupo bilang "panibagong Lianga massacre."

Pumutok ang nasabing insidente ngayong humihingi na ng permiso si outgoing International Criminal Court (ICC) prosecutor Fatou Bensouda na tuluyang maimbestigahan ang human rights situation sa Pilipinas.

FARMERS

HUMAN RIGHTS

KARAPATAN

LUMAD

PHILIPPINE ARMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with