^

Probinsiya

Taal volcano nagtala ng 221 pagyanig

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Phi­lippine Institute of Volca­nology and Seismology (Phivolcs) ng 221 pag­lindol sa Bulkang Taal o may  29 low frequency volcanic earthquakes at 192 volcanic tremor events sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philvolcs, ang naturang volcanic earthquakes ay may durations na isa hanggang 135 minuto.   Ang bunga­nga ng bulkan ay dominated ng upwelling ng mainit na volcanic fluids at ito ay nagge-generate ng plumes na may 1,500 metro pataas sa hilagang kanluran.

Umaabot naman sa average na 5,837 na tonelada ng asupre ang lumalabas sa bulkan.

Mula noong April 2021, ang Taal volcano ay nagsimulang mag-alborotong muli at nagpapakita ng patuloy na pangkalahatang magmatic unrest sa may shallow depths ng bulkan.

Nananatiling nasa “alert level 2” ang bulkan at patuloy na pinapayuhan ang mga tao na iwasan ang pagpasok sa loob ng Taal Volcano island dahil sa banta ng pagbuga ng asupre, pagsabog, volcanic earthquakes, minor ash fall at volcanic gas.

VOLCANIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with