^

Probinsiya

40 nadale ng ‘Chikungunya’ sa Oriental Mindoro

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
40 nadale ng ‘Chikungunya’ sa Oriental Mindoro
Ayon kay Dr. Leah Pinafrancia Reyes, Pola municipal health officer, nagsimulang may maitalang kaso ng Chikungunya, dalawang buwan na ang nakakaraan.
Stock/Pixabay

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 40 ang mga tinamaan ng sakit na Chikungunya virus na nakukuha mula sa kagat ng lamok sa Pola, Oriental Mindoro.

Ayon kay Dr. Leah Pinafrancia Reyes, Pola municipal health officer, nagsimulang may maitalang kaso ng Chikungunya, dalawang buwan na ang nakakaraan.

Aniya, bigla na lamang ang pagtaas ng bilang nito noong nakaraang dalawang  linggo kung saan edad 30 hanggang 50 ang mga tinamaan ng naturang sakit.

Ikinabahala naman ni Pola Mayor Jennifer Cruz ang pagtaas ng bilang ng kaso ng Chikungunya kaya pinaalalahanan nito ang mga residente na maging malinis sa kanilang mga bahay at paligid.

Nabatid na nasa 6 na barangay ang apektado ng pagtama ng sakit.

Kabilang sa mga nararanasan ng mga nagkakasakit ay pananakit ng kasu-kasuan o joint paui, rashes at lagnat.

UMAABOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with