^

Probinsiya

8 Abu Sayyaf kidnappers timbog sa Sabah, nasa kustodya na ng AFP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
8 Abu Sayyaf kidnappers timbog sa Sabah, nasa kustodya na ng AFP
Kinilala ni AFP-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr. ang walong Abu na sina ASG Sub-Leader Sansibar Bensio at mga tauhan nitong sina Firdaus Omar, Munimar Binda, Ladin Mujahirin Faizal, Hamzah Faizal, Sansis Mohammad, Halim Akhir at Yusuf Akram.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Walong bandidong Abu Sayyaf kabilang ang isang sub-leader na sangkot sa kidnapping-for-ransom (KFR) na nasakote ng mga awtoridad sa Malaysia ang itinurnover na sa tropa ng security forces sa bansa.

Kinilala ni AFP-Western Mindanao Command Chief Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr. ang walong Abu na sina ASG Sub-Leader Sansibar Bensio at mga tauhan nitong sina Firdaus Omar, Munimar Binda, Ladin Mujahirin Faizal, Hamzah Faizal, Sansis Mohammad, Halim Akhir at Yusuf Akram.

Ang nasabing mga bandido ay agad ibiniyahe patungong Sulu na sakay ng LCH 298 (BRP Ivatan) ng Philippine Navy at iprinisinta kay Joint Task Force Sulu Commander Major Gen. William Gonzales.

“They will be subjected to COVID-19 testing and quarantine protocols which will be facilitated by the IATF Sulu prior to the filing of appropriate charges,” sabi ni Col. Hernanie Songano, 4thMarine Brigade Commander.

Nabatid na may plano umano ang mga itong magsagawa ng kidnapping sa Sabah pero nasilat ng militar dahilan sa palitan ng impormasyon at monitoring ng magkaalyadong security forces ng Malaysia at Pilipinas.

KFR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with