^

Probinsiya

Regulasyon sa pagpapalipad ng saranggola sa Ilocos Sur, aprub na

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Regulasyon sa pagpapalipad ng saranggola sa Ilocos Sur, aprub na
Ang pagtama ng mga saranggola sa mga wire at poste ng kuryente ay nagiging sanhi rin umano ng mga power interruptions o brownout na su­misira sa mga electrical assets, at pagkakaroon ng aksidente na dahilan ng pagkasugat at kamatayan ng ilang tao.
The STAR/Edd Gumban

BAGUIO CITY, Philippines — Dahil sa mga insidente ng pagkasugat at pagkasawi bunsod ng pagpapalipad ng saranggola, ipinasa na ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Ilocos Sur ang mga regulasyon na nagbabawal sa “kite flying” ng mga bata at matatanda sa nasabing lalawigan.

Tinukoy ng mga provincial legislators ang mga pinsalang idinudulot ng pinalilipad na mga saranggola kabilang na ang pagpulupot sa mga electric wire at iba pang communications lines at facilities sanhi ng pagputok ng mga kable ng kuryente at substations.

Ang pagtama ng mga saranggola sa mga wire at poste ng kuryente ay nagiging sanhi rin umano ng mga power interruptions o brownout na su­misira sa mga electrical assets, at pagkakaroon ng aksidente na dahilan ng pagkasugat at kamatayan ng ilang tao.

Ang ordinansa na nakapasa sa 3rd and final reading ay tinukoy ang report ng Vigan City Police kaugnay sa isang motorcycle rider na buma­bagtas sa highway ang tinamaan ng kite string sanhi upang malaslas ang leeg nito at masawi.

Iginiit ng mga mi­yembro ng SP na sa ipa­tutupad na regulasyon, ipagbabawal na ang pagpapalipad ng saranggola malapit sa mga national highways, power and telecommunication lines at ang paggamit ng lubid na gawa sa plastic, nylon, o kahalintuald ng synthe­tic material kabilang ang Chinese thread “medron” na may glass o metallic components.

Bunsod nito, mapipi­gilan ang mga insidente ng mga batang nakukur­yente dahil sa pagtatangkang makuha o maialis ang kanilang saranggola na sumabit sa mga electric wires at facilities.

Kailangan munang humingi ng permiso sa barangay ang taong gustong magpalipad ng saranggola. Ang mga menor-de-edad ay hindi rin bibigyan ng permit para magpalipad ng saranggola kung walang kasamang nakatatanda. May katapat na parusa o multa para sa mga taong lalabag sa nasabing ordinansa.

COMMUNICATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with