^

Probinsiya

Nurse sa Cagayan ni red-tag, nagpasaklolo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Nurse sa Cagayan ni red-tag, nagpasaklolo
Ang nurse na si Jane Ruiz na nakabase sa Amulung, Cagayan ay humihingi na ng tulong dahil sa matinding takot sa banta sa kaniyang buhay.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Nagpapasaklolo na ang isang nurse na isang aktibong frontliner sa lalawigan ng Cagayan matapos umano itong i-red tag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ang nurse na si Jane Ruiz na nakabase sa Amulung, Cagayan ay humihingi na ng tulong dahil sa matinding takot sa banta sa kaniyang buhay.

Dahil dito, kinondena ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang red tagging at harassment laban kay Ruiz.

“Habang abala si Jane na magsilbi bilang nurse sa ilalim ng DOH-Region 2 at kasaluku­yang nangangalaga ng Covid-positive patients sa munisipalidad ng Amulung, abala rin ang NTF-ELCAC na magsabit ng mga malisyosong tarpaulin na nag-aakusa na miyembro si Jane ng CPP-NPA,” pahayag ni Brosas.

Sinabi ni Brosas na simula pa noong 2018 ay dumaranas na ng red tagging at pangha-harass si Ruiz na bukod sa pagiging nurse ay ito rin ang tumatayong Provincial Coordinator ng Gabriela Women’s Party sa lalawigan ng Cagayan.

Binigyang diin ni Brosas na dapat na ibigay na lang ang P19.13 bilyong pondo ng NTF-ELCAC para sa ayuda sa mga mahihirap.

Hiniling din ng lady solon sa lokal na pamahalaan ng Amulung na tulungan at protektahan si Ruiz.

NURSE

RED TAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with