Nigerian timbog sa P1.7 milyong shabu
ANGELES CITY, Pampanga, Philippines — Arestado ang isang Nigerian national matapos na masamsaman ng nasa P1.7 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy.Pulung Maragul sa lungsod na ito,kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang naarestong suspek na si Mathias Ibrahim Anike,30,residente sa Blk. 3,Lot 18 Compley Street,Lancaster,Imus City,Cavite.
Sa ulat,pasado,alas-5:00 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang pulisya na kung saan nakatunog ang suspek na pulis ang ka-transkasiyon kaya’t sumakay ito sa kanyang get away vehicle na Toyota Camry (WFH-212) at nawalan ng kontrol at bumangga sa pader ng isang gusali sa Cruz Avenue kanto ng Cruz Extension,Sitio Airwolf,Don Bonifacio Subdivision at dito na naaresto ang suspek.
Nasamsam ang tinatayang 250 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P1,700,000.00,mga Identification cards,isang black Nokia keypad,isang Samsung Android Duo,isang Iphone 8,at perang ginamit sa nasabing operasyon.
- Latest