Mister inatake ng migraine habang nagtatraysikel, patay
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasawi ang isang 49-anyos na obrero matapos sumalpok sa gilid ng bundok ang minamanehong traysikel nang atakihin umano ng migraine sa Brgy. Man-atong, Suyo, Ilocos Sur, kamakalawa.
Sa report ng pulisya, alas-6:00 ng gabi ay minamaneho ng biktimang si Malanis Tamaken ang kanyang traysikel sakay ang kanyang misis nang sumpungin ng kanyang sakit.
Dahilan para ito ay mawalan ng control sa pagmamaneho at sumemplang ang traysikel sa gilid ng kalsada at tinumbok ang mabatong gilid ng bundok.
Naidala pa sa ospital ang biktima kung saan idineklarang dead-on-arrival. Himala namang hindi nagalusan ang misis ng nasawi.
- Latest