Mayor na nabakunahan, nagpositibo sa COVID-19
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Ang Mayor ng Tuba, Benguet na naturakan na ng first dose ng Sinovac ay nagpositibo sa COVID-19 noong Lunes ng hapon.
Si Mayor Clarita Sal-Ongan ay isa sa 10 bagong kaso ng COVID-19 sa kanyang teritoryo ng nasabing araw.
Aniya, dati na siyang naka-quarantine, isang linggo bago siya nagpasyang sumailalim sa RT-PCR test noong Abril 16 na kalaunan ay lumabas na positibo sa virus.
Hiniling niya sa kanyang mga nakadaupang-palad na sumailalim sa self isolation at pakiramdaman ang kanilang sarili sa posibleng sintomas ng sakit.
Nagkaroon ng pakikisalamuha ang mayor noong Abril 5 nang mabakunahan siya sa munisipyo ng Sinovac.
Bunsod ng pagpositibo ng alkalde, sarado kahapon hanggang ngayong araw ang munisipyo upang bigyang daan ang disinfection ng gusali at mga pasilidad nito.
- Latest