^

Probinsiya

2 tigok sa pansit at kamoteng kahoy

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

13 pang kasamahan sa piknik, naospital

CALABANGA, Camarines Sur, Philippines — Dalawa ang patay habang 13 pa nilang kaanak at kapitbahay ang naospital ka­bilang ang 4-buwang sanggol matapos umano malason sa kinaing pansit at kamoteng kahoy habang nagpipiknik sa Brgy. Bigaas ng bayang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Maritess Arias, nasa hustong gulang; Marco Ebareta Buenafe, 10-anyos, pa­wang residente ng naturang barangay.

Sa ulat, nagkaroon ng piknik ang magkakamag-anak na Buenafe at mga kapitbahay at pi­nagsaluhan umano nila ang kanilang baon na nilutong pansit at kamoteng-kahoy.

Gayunman, ilang oras matapos kumain ay sumakit ang ulo at tiyan, nilagnat at nagsusuka na ang 15 na biktima kaya lahat sila ay isi­nugod sa Calabanga Rural Health Unit pero dahil sa maselang kon­disyon ay dinala sila sa NICC Hospital sa Naga City.

Gayunman, namatay habang ginagamot ang batang si Buenafe at si Arias habang nasa kritikal na kondisyon ang sanggol na nadamay sa pagkalason makaraang dumede sa kanyang nanay na kasamang na­ospital.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad kung alin sa nilutong pansit o kamoteng kahoy ang nakalason sa mga biktima.

vuukle comment

LASON

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with