^

Probinsiya

Pulis Gentri itinangging may namatay sa parusang 'pumping'

Philstar.com
Pulis Gentri itinangging may namatay sa parusang 'pumping'
Litrato ng mga labi ni Darren Manaog, bagay na ibinahagi ng isang Adrian Luceña sa Facebook, ika-4 ng Abril, 2021
Mula sa Facebook ni Adrian Luceña

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaki sa lalawigan ng Cavite matapos diumano parusahan ng Philippine National Police (PNP) dahil sa "paglabag" sa curfew habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ) laban sa COVID-19 sa NCR Plus bubble.

Itinanggi ng hepe ng pulis sa bayan kung saan daw nangyari ang insidente na pinaparusahan nila ang mga lumalabag sa curfew. Wala pang pahayag ang national headquarters ng PNP sa sinasabing insidente.

Kinilala ang biktima bilang si Darren Manaog na bibili lang sana ng tubig noong curfew hours ng Huwebes, ayon sa isang Adrian Luceña sa Facebook, Linggo nang umaga.

"[T]apos sabi nya po pinagpumping sila ng 100x kailangan sabay sabay kaya naka ilang ulet sila sabi niya nasa 300 daw nagawa nila," wika ni Luceña kahapon.

"Ito po ay nangyare sa Munisipyo ng Malabon, General Trias, Cavite."

Ang Malabon ay dating pangalan ng bayan ng General Trias.

Ilang beses na-revive bago mamatay

Aniya, nakauwi pa si Manaog ng Biyernes ng umaga ngunit hindi na makalakad nang maayos. Ilang beses pa raw siyang natumba habang pinagpa-pumping, wika ni Darren kay Adrian.

Nauwi na raw ito sa pagkukumbulsyon noong Sabado ngunit na-review naman daw siya sa bahay.

"[S]inumpong ulet siya narevive ulet kaya lang comatose na siya... hanggang ngayong 10:00 pm wala na [patay na]," dagdag ni Luceña.

"Kuya paalam na... [M]ahal na mahal ka namin... Hindi kami papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang pagkawala mo."

Kinukuha pa ng PSN ang pahayag ng PNP spokesperson na si Police Brig. Gen. Ildebrandi Usana hinggil sa insidente ngunit hindi pa siya sumasagot sa panayam magpahanggang sa ngayon.

Wala pa ring tugon ang Cavite Police Provincial Office (Cavite PPO) pagdating sa nasabing curfew-related fatality.

Walang ganoong parusa?

Sa panayam ng News5, sinabi ni Police Lt. Col. Marlo Solero, General Trias City police chief,  na "wala" silang pisikal na parusa laban sa mga lumalabag sa protocols. Gayunpaman, hindi naman daw nila kukunsintihin ang pulis na nasa likod nito kung mapatutunayan.

"So sa claim po na pumping, wala po kaming binibigay na ganoong punishment sa kanila. Instead, we’re conducting lectures po," ani Solero sa phone interview sa kanila ng Rappler.

LALAKI, PATAY SA PUMPING? Trending sa internet ang post ng isang netizen tungkol sa isang lalaki na umano'y nasawi...

Posted by News5 on Monday, April 5, 2021

Kinastigo naman ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) secretary general Renato Reyes Jr. ang pagkamatay ng lalaki, lalo na't hindi naman daw gaano kabigat ang ginawa ng nasawi.

"A curfew violation! What has this system done to us? Bakit may ganitong parusa para sa curfew violation?" ani Reyes ngayong Lunes.

Ika-15 ng Marso lang nang sabihin ni officer-in-charge Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar na "mali at hindi na dapat ulitin" ng PNP ang mga pisikal na pagpapahirap sa mga quarantine violators na dati nang nangyari noong unang pagpapatupad ng community quarantine.

Matatandaang may binugbog, napatay at ikinulong noon sa hawla ng aso dahil sa paglabag sa protocols. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5

CAVITE

CURFEW

GENERAL TRIAS

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with