^

Probinsiya

Bangko sa Cabarroguis, Quirino isinara dahil sa COVID-19

John Unson, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isinailalim sa indefinite lockdown kahapon ang sangay ng Land Bank of the Philippines sa Cabarroguis, Quirino matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilan nilang kawani .

Sa kanilang social media advisory, pinangangambahan ng bangko na nakahawa ng maraming kliyente ang mga nagpositibo nilang kawani kung kaya’t nanawagan sila sa mga nagpunta sa kanilang sangay ng Marso 2-15 na sumailalim sa self quarantine upang masawata ang pagkalat ng virus.

Ayon sa LandBank, kasalukuyang isinasagawa ang malawakang contact tracing at disinfection sa kanilang gusali.

Dinadagsa ng publiko ang LandBank dahil dito naglalagak ng pondo ang pamahalaan para sa mga ayudang ibinibigay nito sa maliliit na mamamayan.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with