^

Probinsiya

Ambush o shootout: Calbayog mayor, 4 pa utas!

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Ambush o shootout: Calbayog mayor, 4 pa utas!
Dead-on-the-spot si Aquino, S/Sgt. Rodeo Balonzo, S/Sgt. Romeo Laoyon, at Dennis Abayon, driver ng alkalde habang nasawi nang mahagip ng ligaw na bala ang sibilyang si John Paul Yauder, isang government employee.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Masusing sinisiyasat ng Philippine National Police (PNP) kung ambush o shootout ang naganap na insidente sa Calbayog City na ikinasawi ni Mayor Ronald Aquino, dalawang police escorts nito at da­lawa pang katao nang kanilang makaengkuwentro ang mga tauhan ng Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at Drug Enforcement Unit (DEU) noong Lunes ng hapon sa nasabing lungsod.

Dead-on-the-spot si Aquino, S/Sgt. Rodeo Balonzo, S/Sgt. Romeo Laoyon, at Dennis Abayon, driver ng alkalde habang nasawi nang mahagip ng ligaw na bala ang sibilyang si John Paul Yauder, isang government employee.

Sugatan naman sa insidente sina S/Sgt. Neil Cebu at Mansfield ­Labonite, aide ni Aquino.

Nabatid na lulan umano si Laoyon ng sasakyang nakasunod sa behikulo ni Aquino. Kasama naman ng alkalde sa sasakyan sina Balonzo, Cebu, at Labonite habang sinasabing napadaan lamang si Yauder nang tamaan ng bala at namatay habang ginagamot sa St. Camillus Hospital sa Calbayog.

Ayon kay PNP chief Debold Sinas, batay sa inisyal na imbestigas­yon,  dakong alas-5:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Laboyao Bridge sa Lonoy Village, Calbayog City.  Dumaan umano ang mga ope­ratiba ng IMEG at DEU nang bigla na lamang sila umanong binaril ng isa sa mga security ni Aquino kaya gumanti sila ng putok.

Nauna umanong nagpaputok ang mga bodyguards ng alkalde sa mga pulis bagamat lumabas sa unang report sina Aquino ang tinambangan at pinagbabaril.

“Our police who were passing by, based on the initial findings, were shot by mayor’s escorts. They didn’t know they were the police, and the police just retaliated,” payahag ni Sinas sa isang panayam sa Teleradyo.

Inakala umano ng mga bodyguards ni Aquino na sinusundan sila ng isang sasakyan kung saan sakay naman ang mga pulis kaya nila pinaputukan ito na nag­resulta sa shootout.

Gayunman, bumuo na ang PNP ng Special Investigation Task Group (SITG) na pamumunuan ni Region 8 deputy regional director for operations Col. Edwin Wagan upang imbestigahan ang kaso at malaman kung misencounter o ambush ang naganap na insidente.

Sa kanyang post sa social media, sinabi ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento na nasawi ang alkalde at mga escort nito sa “shooting incident”.

“It is my deepest ­regret to inform our cons­tituents and my fellow Calba­yognons, that our beloved City Mayor Ro­naldo P. Aquino died because of a shooting incident,” saad sa Facebook post ng kongresista.

DEU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with