4 kawani nagka-COVID-19, Fire Station ini-lockdown
MADDELA,Quirino, Philippines — Isinailalim sa pansamantalang lockdown ang himpilan ng Bureau of Fire Protection ng bayang ito matapos ang apat na kawani ay nagpositibo sa COVID-19.
Sa report ng provincial health, nahawa sa naunang kaso na nagpositibo sa virus noong Pebrero 20 ang tatlong kawani na pawang asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
Isinailalim din sa quarantine ang lahat ng nalalabi pang kawani ng BFP Maddela upang masawata ang pagkalat ng virus.
Ang lalawigan ng Quirino ay mayroon nang 61 kumpirmadong kaso ng COVID-19 na lubhang ikinaaalarma ng lokal na pamahalaan.
- Latest