Cagayan councilor na kasama sa 'narco list' patay sa pamamaril
MANILA, Philippines — Binawian ng buhay sina Lasam, Cagayan Councilor Majorie "Jaling" Salazar kasama ang tatlong iba pang katao matapos pagtatambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin, Lunes.
Bandang 11:30 a.m. nang paulanan ng bala ang apat sa baranggay Ignacio Jurado kanina habang nakasakay ng isang Toyota Hiace van, ayon sa ulat ng Cagayan Provincial Information Office kanina.
Kasama ni Salazar na nasawi sina Eduardo Asuten, John Rey Apil (driver) at Aiza Manuel (sektretarya) na parehong residente ng baranggay Callao Sur.
Parehong dating mayor ng Lasam sina Salazar at Asuten, ayon sa ulat na ipinadala ni Police Maj Pablo Tumbali, acting chief of police ng PNP Lasam.
"[N]ang makarating sa lugar ng insidente ay may asul na Hyundai Accent at puting Toyota Wigo na kapwa walang plaka kung saan ang mga sakay nito ang nagpaulan ng bala sa sasakyan ng mga biktima," dagdag pa ng Cagayan PIO.
"Tumalilis umano ang mga hindi pa natutukoy na mga salarin patungong timog na bahagi patungong Brgy Centro ng naturang bayan matapos ang pananambang."
Naisugod pa sa ospital ang apat na biktima ngunit binawian na ng buhay kinalaunan. Patuloy pa rin naman daw ang "hot pursuit" at "dragnet" operations ng Philippine National Police (PNP) para matugis ang mga nasalikod ng malagim ng krimen.
May kinalaman sa 'drug war'?
Una nang isinama noon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Salazar sa tinaguriang "narco list," o yaong listahan ng mga pulitikong iniuugnay niya sa kalakalan ng iligal na droga.
Basahin: ICC prosecutor's decision on seeking probe into 'drug war' out in 1st half of 2021
May kinalaman: Callamard hopeful ICC will seek investigation into 'drug war' killings
Sa huling ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isinapubliko ng Real Numbers PH nitong Enero, umabot na sa 6,011 katao ang napapatay sa 188,603 anti-drug operations ng otoridad simula pa noong Hulyo 2016.
Nasa likod naman na ng rehas ang nasa 273,014 katao kaugnay ng mga nasabing anti-illegal drug operations.
- Latest