^

Probinsiya

2 lady cop nadale ng ‘basag-kotse’

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
2 lady cop nadale ng �basag-kotse�
Sa report na naka­rating kay Lt. Colonel Jonalyn Tecbobolan, hepe ng Tuguegarao City Police Station; iniwan nina Lt. Junatess Acacio ng Santiago City Police at Patrolwoman Belinda Andes, 28, ng Police Regional Office ang kanilang mga service 9mm pistol sa loob ng kotse ng una dakong alas-7:45 ng umaga para dumalo sa Motorcycle Riding Course Training.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dalawang policewoman ang ninakawan ng ka­nilang mga baril ma­tapos biktimahin ng “Basag-Kotse Gang” habang sila’y nagsasa­nay sa pagsakay ng motorsiklo sa Barangay Carig Norte ng lungsod na ito kamakalawa.

Sa report na naka­rating kay Lt. Colonel Jonalyn Tecbobolan, hepe ng Tuguegarao City Police Station; iniwan nina Lt. Junatess Acacio ng Santiago City Police at Patrolwoman Belinda Andes, 28, ng Police Regional Office ang kanilang mga service 9mm pistol sa loob ng kotse ng una dakong alas-7:45 ng umaga para dumalo sa Motorcycle Riding Course Training.

Pero bandang alas-4:35 ng hapon na nang kanilang balikan ang parking at nadiskubreng basag na ang likurang kaliwang bintana ng sasakyan ni Acacio.

Nanlumo ang dalawa­ nang malamang tina­­ngay na ng mga kawa­tan ang kani-kanilang bag na sisidlan ng ka­nilang mga armas at personal na gamit.

Patuloy na sinisiya­sat ng mga imbestigador ang pangyayari.

vuukle comment

BASAG KOTSE GANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with