^

Probinsiya

Magkaangkas sa motor tepok sa salpok

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Magkaangkas sa motor tepok sa salpok
Hindi na umabot ng buhay sa Bondoc Peninsula District Hospital ( BPDH) dahil sa pagkabasag ng mga bungo at grabeng pinsala sa mga katawan ang mga biktimang sina Jasper Dela Pena, 26; at Marvin Toledo, 30, kapwa may live in partner at mga empleyado ng lending investor residente ng Barangay Progreso, Gumaca ng lalawigan.
STAR/ File

CATANAUAN, Quezon , Philippines — Kapwa namatay ang dala­wang collector na magkaangkas sa isang motorsiklo makaraang bumangga ang kanilang sasakyan sa kasalubong na van sa national road na sakop ng Sitio Bakong, Barangay San Isidro, kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot ng buhay sa Bondoc Peninsula District Hospital ( BPDH) dahil sa pagkabasag ng mga bungo at grabeng pinsala sa mga katawan ang mga biktimang sina Jasper Dela Pena, 26; at Marvin Toledo, 30, kapwa may live in partner at mga empleyado ng lending investor residente ng Barangay Progreso, Gumaca ng lalawigan.

Ayon sa ulat ng pulis­ya, alas-11:40 ng umaga  patungo sa General Luna, Quezon ang dalawa at sakay ng Honda Wave motorcycle, subalit pagsapit sa pababa at kurbadang bahagi ng kalye ay nawalan ng kontrol sa manibela si Dela Pena at tinumbok nang Lucena City bound na Toyota Hi-Ace Grandia (DAH-8563) na minamaneho ni Christopher Libao, 31 ng Catanauan, Quezon.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay tumilapon ang dalawa at una ang mga ulo na bumagsak sa kalsada. Nasa kustodya na ng pulis­ya ang driver ng van.

KAPWA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with